Jesus And Me Clan Forum
Welcome to Jesus And Me (JAM) Clan Forum Site! Please register! Thank you!

Jesus And Me Clan Forum

The Official Forum Site Of JAM Clan
 
HomeMemberlistUsergroupsSearchFAQCalendarRegisterLog in

Share | 
 

 DAHILAN NG PANGANGALIWA

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
JAM_MUSIKA
Officers
Officers
avatar

Posts : 19
Join date : 02/12/2010
Age : 29
Location : MM1

PostSubject: DAHILAN NG PANGANGALIWA   Fri Dec 03, 2010 4:11 pm

]Maraming dahilan kung bakit nagagawa ng mga lalaki ang mangaliwa pero hindi sa lahat ng oras at panahon ay lalaki ang dapat sisihin. Sa totoo lang maraming babae ang nangangaliwa at babae din ang dahilan kung bakit nagagawa ng lalaki ang mangaliwa.

1. Sa simpleng kahulugan ng pangangaliwa ay “HINDI KA NA NYA MAHAL”.

2. Nagawang mangaliwa ng lalaki dahil sa gusto na nyang makipag-hiwalay sayo (babae) hindi nya lang masabi dahil sa stupid reason ng lalaki na ayaw ka nyang saktan at kung tanga ka (ayaw mo lang aminin) talaga ito lang ang kahulugan nito “HINIHINTAY LANG NG LALAKI NA MANGGALING SAYO NA BREAK NA TAYO” kaya sya nangangaliwa.

3. Maniwala ka man sa hindi merong pangangaliwa na hindi sinasadya ng lalaki sa dahilang totoong maraming “TUKSO” sa paligid. Mali “OO” pero nagagawa ng lalaki na magtaksil sa mahal nila dahil narin sa “walang perpektong lalaking tatanggi sa babaeng nakabukaka sa harap nila”. Sa madaling salita “MAY DAHILAN KUNG BAKIT NAGAGAWA NG LALAKI ANG MANGALIWA”.

4. NANGANGALIWA ang mga lalaki dahil, “HINDI NA DAW SILA MASAYA SA ISANG RELASYON”. In short dun mo lang malalaman kung SERYOSO sayo ang lalaki o hindi.. pero syempre hindi lang naman yun ang sign para malaman kung seryoso nga sila o hindi.

5. Nangangaliwa ang mga lalaki at naghahanap ng ibang kasiyahan sa ibang tao dahil sa “MAY MGA BAGAY SYA NA HINAHANAP NA NATAGPUAN NYA SA IBA” mali sya pero nangyayari talaga. Minsan kaya sya naghanap ng kasiyahan sa iba ay dahil sa “GUSTO NYA LANG TUMIKIM NG IBA NA HINDI NYA NATIKMAN SAYO” again mali sya pero nangyayari talaga.

6. Ang babae ang nagtulak sa lalaki na mangaliwa at maghanap ng ibang ka-ulayaw dahil sa “ANG UNANG NANGALIWA AT NAGHANAP NG SARAP SA IBA AY ANG BABAE” gumanti lang ang lalaki. Ang masakit na katotohanan ay ang lalaki ang nagmumukang masama at ang babae ang nagmumukang biktima.

7. Nagawang mangaliwa ng lalaki ay dahil sa maling panghihinala ng mga babae “KAYA TINOTOTOO NYA LANG ANG BINTANG MO” nakakainis at nakakairita ang non-sense na accusation ng mga babae pero ang totoo “ANG BABAE ANG SYANG TUNAY NA NANGANGALIWA AT UNANG NAGHANAP NG KASIYAHAN SA IBA”.

8. “TRIP LANG NYANG MANGALIWA” at wala na tayong magagawa diyan dahil sa “BABAERO NA TALAGA SYA SIMULAT SAPOL NG NAKILALA MO SYA”.

9. May pangyayari na mahirap paniwalaan pero kung bubukasan ng mga babae ang kanilang mga isip sa lalaking nangangaliwa ay maniniwala kayong “ANG BABAE ANG SYANG DAHILAN KUNG BAKIT NATUTO ANG MGA LALAKING MANGALIWA”.

10. “WALANG MANGANGALIWA KUNG WALANG PAPATOL, WALANG MAGHAHANAP NG IBANG KASIYAHAN SA IBA KUNG NAIBIBIGAY ANG HANAP NA SARAP” (baluktot na paniniwala pero kung hihimayin mo ang bawat sulok ng salita ay may tama din naman at tatamaan ka talaga).

Walang tama sa pangangaliwa (may karma yan) at kahit ang tunay mong dahilan kaya ka nangangaliwa ay pagmamahal hindi paring tama na saktan ang taong umaasang sya lang ang babae/lalaki sa buhay mo. Kanya-kanya lang ng trip sa buhay yan at pananaw pero sana kung mangangaliwa ka isipin mong may isang taong iiyakan ang ginagawa mong pangangaliwa!
Back to top Go down
View user profile
 
DAHILAN NG PANGANGALIWA
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Jesus And Me Clan Forum :: JAM Clan Forum Admin Section :: Events-
Jump to: